
11.2K
GMDSWD, NATUNTON ANG BATANG SUMULAT NG LIHAM KAY PBBM TUNGKOL SA UMANO’Y PANG-AABUSO NG ISANG OPISYAL
Natunton na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang batang mula Camarines Sur na sumulat kay Pangulong Bongbong Marcos upang humingi ng tulong kaugnay ng umano’y pang-aabuso ng isang opisyal sa kanilang komunidad.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, bibigyan ang bata at ang iba pang nasa shelter ng psycho-emotional counseling at tulong pinansyal para sa kanilang mga pamilya.
Tutulungan din ang isa sa mga biktima na magsampa ng kaso, at magbibigay ng karagdagang assistance sa shelter na kanilang tinutuluyan.
📸: Rex Gatchalian/FB
#GMAPublicAffairs
@gmapublicaffairs










