
255
NA“‘𝐍𝐀𝐏𝐀𝐊𝐀𝐃𝐀𝐋𝐈 𝐌𝐀𝐆𝐏𝐀𝐃𝐀𝐋𝐀 𝐍𝐆 𝐄𝐑𝐎𝐏𝐋𝐀𝐍𝐎’: 𝐕𝐏 𝐒𝐀𝐑𝐀 𝐃𝐔𝐓𝐄𝐑𝐓𝐄, 𝐁𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐊𝐎𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐔𝐌𝐀𝐍𝐎’𝐘 𝐌𝐀𝐁𝐀𝐆𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐑𝐄𝐏𝐀𝐓𝐑𝐈𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐎𝐅𝐖 𝐒𝐀 𝐆𝐈𝐓𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐓𝐄𝐍𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐈𝐃𝐃𝐋𝐄 𝐄𝐀𝐒𝐓”
Binatikos ni Sara Duterte ang umano’y mabagal na aksyon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapauwi sa mga Pilipinong na-stranded sa Middle East sa gitna ng lumalalang tensyon sa rehiyon.
Sa kanyang pahayag noong Marso 6, sinabi ng bise presidente na hindi mahirap magpadala ng eroplano upang sunduin ang mga Pilipino sa ibang bansa kung may agarang aksyon ang pamahalaan.
“Alam mo napakadali magpadala ng eroplano eh sa totoo lang. Alam niyo ba noong Covid na panahon, ah, madami ang na-stranded na mga tiga Davao City dito sa Manila? Napakadali. Nag kontrata kami ng commercial airline. Sabi namin isasakay namin sila lahat. Mabayaran namin kayo using COVID funds,” ani Duterte.
Binalikan niya ang karanasan niya bilang alkalde ng Davao City noong pandemya kung saan nagkontrata umano ang lokal na pamahalaan ng commercial flights upang sunduin ang mga stranded na residente mula sa Manila.
“Nag kontrata kami sa commercial airlines. Lumipad yung commercial airlines doon. Sinakay lahat ng na-stranded na tig Davao City na cleared na, na magbyahe or inallow na doon mag-quarantine sa Davao City,” dagdag niya.
Ayon pa kay Duterte, hindi lamang mga taga-Davao ang kanilang tinulungan noon.
“Nilipad namin hindi lang 100. Hindi lang 200… At hindi lang mga tiga Davao City. Meron pa kaming iba na kapitbahay lang ng Davao City pero sabi namin sige sumakay na kayo basta mag quarantine lang kayo ayon sa sinabi ng doktor,” aniya.
Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos sabihin ng pamahalaan na nahihirapan ang repatriation flights dahil sa pagsasara ng ilang airspace sa Middle East.
Gayunman, sinabi ng bise presidente na may mga flight pa ring nakakalipad.
“Hindi ganyan kahirap magpadala ng eroplano kung saan man saan mong gusto kumuha o mag-rescue ng tao… Kasi yung isang kaibigan ko galing Dubai, papauwi na siya ng Pilipinas commercial flight siya,” ani Duterte.
Courtesy: Inday Sara Duterte
@nationonthemove










